Makati News

Police arrest 100 people in Makati bar
Naaresto ang higit 100 tao, kabilang ang host na si KC Montero, nang salakayin noong hapon ng Linggo ng mga pulis ang isang bar sa Makati na nag-operate pa rin kahit ipinagbabawal dahil sa quarantine restrictions.
Kasama sa 113 naaresto sa bar sa condominium sa Barangay Bel-Air ang mga Pilipino at banyagang kostumer na nadatnan ng mga pulis na walang suot na face mask.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng mga ulat ang mga awtoridad ukol sa operasyon ng bar na nagdadaos ng mga pagtitipon nang hindi nasusunod ang physical distancing, ani Makati police chief Col. Oscar Jalido.
"Akala nila hindi namin sila papansinin. So they were showing the live feed of their drinking, dancing, they're partying na parang wala silang pakialam sa nangyayaring pandemic sa bansa natin," ani Jalido.
Ipinagbabawal pa rin ang operasyon ng mga bar sa ilalim ng general community quarantine.
Ayon kay Montero, unang beses lang niya sa bar nang mahuli at kakain lang sila ng kaniyang asawa.
"That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they're not allowed to open? Maybe that's my fault, I didn't do my research," ani Montero.
Dinala rin sa presinto ang halos 20 nagtatrabaho sa bar.
Iginiit naman ng kampo ng may-ari ng bar na sinunod nila ang reduced capacity na 30 percent sa mga restoran.
Sa kabila nito, nahaharap ang may-ari ng bar sa patong-patong na kaso.
"'Yong mga gustong mag-party na, medyo i-hold lang muna, darating tayo diyan. Malalim 'tong kinakaharap nating problema sa COVID-19 so kung 'di tayo magtulungan definitely walang mangyayari sa atin," ani Jalido.
Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act.
Share your thoughts with us
Related Articles

San Juan gets perfect grade for road clearing operations
San Juan City received a perfect grade by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. for its obstruction-free roads and sidewalks, according to a report by Manila Bulletin. In November 2020, the Department of Interio...

Makati Council approves PPP venture for Ospital ng Makati 2
Ospital ng Makati 2 (OsMak 2) is on its way to completion, made possible with a Public-Private Partnership (PPP) Agreement approved Wednesday by the City Council, Mayor Abby Binay today said. In a regular council session, the Sangguniang Panlungsod ...

Pasay records 468 active Covid cases
A total of 98 new infections raised Pasay City’s active coronavirus disease 2019 (Covid-19) tally to 465 as of Thursday, according to a report by Philippine News Agency. Some 56 barangays are under enhanced community quarantine (ECQ) whil...

Valenzuela asks telcos to fix internet problems
Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian met with representatives of telecommunications companies (telcos) on Friday and asked them to step up their efforts to address network issues and intermittent connectivity problems, according to a report by P...

PH Navy to support vaccination rollout
The Philippine Navy on Friday (Feb. 26) has offered the Manila City government added support for the COVID-19 mass vaccination rollout, according to a report by Manila Bulletin. Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso met with Col....